OWWB ng MOLE BARMM at BAA ng MOTC, nagpulong hinggil sa proposed OFW Help Desk sa paliparan
- Diane Hora
- Aug 7
- 1 min read
iMINDSPH

Dumalaw ang mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Bureau (OWWB) ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) kay Atty. Ranibai Dilangalen, Director ng Bangsamoro Airport Authority (BAA), sa isang courtesy visit noong Agosto 5, 2025.
Nanguna sa pagbisita si OWWB Director Annuarudin Tayuan kasama sina Division Chiefs Abdulatip Pinguiaman at Mohiddin Usman. Sa pulong, tinalakay ang panukalang pagtatayo ng Overseas Filipino Workers (OFW) Help Desk sa paliparan.
Layunin ng nasabing inisyatibo na tulungan at i-monitor ang paglalakbay ng mga OFW—pabalik man o paalis ng bansa—habang pinapalakas din ang data gathering at response mechanisms ng MOLE.
Sa naging pulong, naging produktibo ang talakayan at nagkaroon ng paunang diskusyon ukol sa pagbuo ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng MOLE at ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) upang pormalisahin ang naturang partnership.
Sakaling maisakatuparan, ang OFW Help Desk ay magiging bahagi ng mga programa ng OWWB-MOLE para sa taong 2026 bilang karagdagang suporta sa mga Bangsamorong manggagawa sa ibayong dagat.



Comments