iMINDSPH

Tiklo ang top high-value indibidwal ng Davao City na kinilala sa alyas na “Nash” sa ikinasang police operation sa Barangay Wilfredo Aquino, Cabaguio Street, Davao City, partikular sa tabi ng Auto Source Auto Parts and Accessories Trading.
Nakumpiska sa operasyon ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may Standard Drug Price na PhP 437,920.00.
Ang operasyon ay inilunsad ng Regional Police Drug Enforcement Unit XI, kasama ang personnel ng City Drug Enforcement Unit—Davao City Police Office at Bajada Police Station sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Sa isang intelligence-driven operation naman, arestado rin ang top 2 high value individual na si alyas “Migo” at isa pang drug personality.
Isinagawa ang operasyon sa Purok 25, Malupiha, Malagamot, Brgy. Panacan, Davao City kung saan nasamsam ang PhP 201,144.00 na halaga ng suspected shabu.
Ang operasyon ay pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit ng Sasa Police Station katuwang ang Regional Mobile Force Battalion.
Kalaboso rin ang Top 6 high value indibidwal ng syudad na kinilala sa alyas na “Bro” kasama ang isa pang drug personality sa isa pang intelligence-driven operation sa Purok 12, Vista Mar 2, Brgy. Ilang, Davao City.
Nasamsam sa operasyon ang suspected shabu na nagkakahalaga ng PhP 43,588.00.
Kulong din ang isang alyas “Kap” at nasamsam ang PhP 490,152.00 na halaga ng suspected shabu sa isinagawang drug buy-bust operation ng Drug Enforcement Unit ng Bunawan Police Station, sa pakikipagtulungan ng PDEA XI sa Amparo Village Brgy Ilang Davao City.
Pinuri naman ni PRO 11 Regional Director, PBGen Leon Victor Rosete ang pagtutulungan ng iba’t ibang law enforcement unit sa matagumpay na operasyon.
Comments