P1.3 million halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Mulondo, Lanao del Sur.
- Teddy Borja
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Nakumpiska ng awtoridad ang 1.3 million pesos na hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Lanao del Sur. Arestado rin sa operasyon ang isang drug peddler.
Isinagawa ang operasyon, araw ng Miyerkules, sa Mulondo, Lanao del Sur.
Tumitimbang ng mahigit kumulang 205.5 gramo ang nakumpiskang suspected shabu mula sa suspek na isinilid sa dalawang plastic bags.
Ang matagumpay na operasyon, ayon sa PNP PRO BAR, ay resulta umano ng halos isang buwan ng monitoring at intelligence operation.



Comments