iMINDSPH

Na-intercept at nakumpiska ng mga elemento ng Police Regional Office 9 ang 1, 432, 500 pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa Purok Euphorbia, Barangay Lutiman, Alicia, Zamboanga Sibugay, ala-5:30 ng hapon, a-19 ng Pebrero.
Nasamsam ang kontrabando habang tinatransport sa Alicia-Olutanga Road papuntang Ipil, Zamboanga Sibugay.
Nasamsam mula sa mini van ang 25 master cases ng ipinuslit na sigarilyo na may estimated market value na ₱1,432,500.00.
Agad dinala sa Alicia Municipal Police Station ang naarestong indibidwal para sa temporary safekeeping at paghahain ng kaso.
Commenti