iMINDSPH

Upang mapahusay pa ang healthcare services para sa indigent at vulnerable sectors, laan ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government o AMBaG ang ₱10 million sa Wao District Hospital.

Ang alokasyong ito ay bahagi ng pangako sa isinusulong na misyon ng AMBaG na “Kalinga at Serbisyo,” na naglalayon na magbigay ng isang compassionate at dedicated healthcare services sa mga nangangailangan.

Ang fund transfer ay pinangunahan ni Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan, bilang representante ni Cabinet Secretary and Program Manager Mohd Asnin Pendatun.

Mainit na tinanggap ang AMBaG ng Chief of Hospital, Dr. Asnawi Dalidig na binigyang diin ang positive impact ng AMBaG Fund hindi lamang sa pagamutan kundi sa buong komunidad.

Ang Wao District Hospital ay hindi lamang nagsiserbisyo sa mga residente ng Wao kundi maging sa mga karatig bayan at probinsya kabilang dito ang Amai Manabilang sa Lanao del Sur, Banisilan sa North Cotabato, at Kalilangan sa Bukidnon.
Sa ilalim ng liderato ni Chief Minister Ahod Ebrahim, ang pondo ay naglalayong suportahan ang hospital operations, assist indigent patients, at maibsan ang financial barriers sa medical care.
Comments