iMINDSPH

Magbibigay ang Davao City Police Office ng pabuya sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon, pagkakakilanlan at lokasyon ng mga suspek sa Hannah Pawnshop Robber Hold-Up sa Illustre, Davao City.
Ayon sa DCPO, isang daang libong pabuya sa bawat suspek.
Lima pang suspek ang patuloy na pinaghahanap ng otoridad kaugnay sa insidente na naganap araw ng Miyerkules, February 26.
Hinihikayat din ng otoridad ang kooperasyon ng publiko at agad na ireport sa pinakamapalit na istasyon ng pulis o itawag anila sa hotline na makikita ninyo sa inyong screen.
Comentarios