P102K halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa Pigcawayan, Cotabato; HVI, arestado sa operasyon
- Teddy Borja
- Nov 14
- 1 min read
iMINDSPH

Huli ang isang 45-anyos na lalaki sa buy-bust operation ng awtoridad kung saan nasamsam ang P102,000 na halaga ng suspected shabu.
Kinilala ang suspek sa alyas Glen, residente ng Barangay Buracain, Pahamudin, SGA, BARMM.
Inaresto siya noong araw ng Miyerkules, November 12 sa Barangay Poblacion, Pigcawayan.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat (4) na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 15 gramo at tinatayang National Standard Drug Price na ₱102,000, kasama ang ₱1,000 marked money na
ginamit sa operasyon.
Ang suspek at ang nakumpiskang ebidensya ay nasa kustodiya na ng Pigcawayan MPS para sa tamang disposisyon at paghahain ng kaukulang kaso sa paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).



Comments