top of page

P103,336.00 final pay at retirement package ng isang security guard, matagumpay na nakuha mula sa kanyang employer sa tulong ng MOLE

  • Diane Hora
  • 16 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Sa pamamagitan ng Request for Assistance o RFA ng MOLE BARMM, humingi ng tulong ang isang sekyu mula sa Maguindanao para makuha ang kanyang final pay at retirement package claims.


Sa tulong ng Single-Entry Approach o SEnA sa ilalim ng Labor Case Management Program ng Ministry of Labor and Employment, matagumpay na naresolba ang isyu sa pamamagitan ng maayos na kasunduan sa pagitan ng manggagawa at ng kanyang employer.


Php 103,336.00 ang kabuuang halaga ng settlement award na matagumpay na nakuha ng sekyu, a-9 ng Hulyo.


Ang matagumpay na resolusyon ay patunay ayon sa MOLE ng matatag na paninindigan ng MOLE sa pagtataguyod ng kapayapaang pang-industriya at karapatan ng mga manggagawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page