P15 million na pondo kaloob ng AMBaG sa Buluan, District Hospital
- Diane Hora
- 1 day ago
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang tugon sa patuloy na pangangailangan ng mga pasyente sa bahagi ng Maguindanao del Sur, ipinagkaloob ng AMBaG Program ang ₱15M na pondo sa Buluan District Hospital, araw ng Lunes, July 28.
Pinangunahan nina Cabinet Secretary at AMBaG Program Head Mohd Asnin Pendatun at Deputy Program Manager Saharan Jurjani Silongan ang isinagawang fund transfer, na malugod namang tinanggap ni Dr. Norizah Midtimbang, Chief of Medical Professional Staff I, sa ngalan ni Dr. Rizaldy Piang, Chief of Hospital ng Buluan District Hospital.
Kasabay ng isinagawang fund transfer ay nagkaroon din ng consultative meeting kung saan maayos na natalakay at nasagot ni AMBaG Program ang mga katanungan ng pamunuan ng Buluan District Hospital kaugnay ng ilang mahahalagang usapin patungkol sa Guidelines ng AMBaG Program.
Sa pamumuno ni 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗠𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗯𝗱𝘂𝗹𝗿𝗮𝗼𝗳 𝗠𝗮𝗰𝗮𝗰𝘂𝗮, patuloy ang pagsisikap ng AMBaG Program na mailapit ang Kalinga at Serbisyo sa bawat Bangsamoro.
𝗞𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗮𝘁 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼, 𝗜𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗠𝗕𝗮𝗚 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗻𝗴𝘀𝗮𝗺𝗼𝗿𝗼.
Comments