P158.2M halaga ng mga puslit na sigarilyo, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9 sa iba’t ibang operasyon sa buong buwan ng Nobyembre, kung saan 25 indibidwal ang arestado.
- Teddy Borja
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit ₱158.2 milyon halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng Police Regional Office 9 sa serye ng operasyon sa buong buwan ng Nobyembre, kung saan dalawampu’t limang suspek ang arestado.
Ang datos ay resulta ng pinaigting na kampanya kontra smuggling at kriminalidad ng Police Regional Office 9 mula sa 11 coordinated operations sa buong Zamboanga Peninsula.
Pinuri ni PBGen Edwin Quilates, Regional Director ng PRO 9, ang tagumpay ng operasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na anti-smuggling efforts sa rehiyon.
Patunay ang accomplishment na ito, ayon sa PNP PRO 9, ng matibay na pagpapatupad ng batas at mahigpit na pagpapatupad ng border security.
Nanawagan ang PNP PRO 9 na patuloy na suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling sa Zamboanga Peninsula.



Comments