P168M proposed budget ng BPDA para sa susunod na taon, hinimay na ng BTA Committee on Budget, Finance and Management
- Diane Hora
- Nov 24
- 1 min read
iMINDSPH

Masusing dininig ng Sub-Committee B ng Committee on Finance, Budget and Management ang proposed 2026 budget ng Bangsamoro Planning and Development Authority na nagkakahalaga ng 168 million pesos.
Sa ibinahaging impormasyon ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo, ang pondo ay nakatuon sa mga tungkulin ng ahensya kaugnay sa socio-economic development planning, policy and investment programming, research and knowledge management, at monitoring and evaluation.
Ang BPDA ang nangunguna sa kabuuang pagpaplano ng kaunlaran ng BARMM upang matiyak na ang lahat ng plano at proyekto ng Bangsamoro Government ay magkakaugnay at nakatuon sa pangmatagalang kaunlaran sa rehiyon.
Sa pagdepensa sa budget, sinabi ni BPDA Director General Mohajirin Ali na kanilang itinutulak ang data-driven approach upang palakasin ang policy visibility at maging maayos pa ang tracking of government programs sa buong rehiyon.
Ipinrisinta rin ng BPDA sa naturang budget hearing sa komite ang status ng mga proyekto na pinondohan sa ilalim ng General Appropriations Act for the Bangsamoro o GAABD at iba pang special programs.
Sinisiguro ng komite na malinaw ang ugnayan ng BPDA sa mga ministry upang matulungan ang mga ito sa pagpapatupad ng kanilang mga programa, partikular na ang mga ahensyang nagkakaroon ng pagkakaantala at isyu sa paghahatid ng serbisyo.
Ngayong linggo, magpapatuloy ang budget hearings para sa iba pang ministry, office, at agency para sa presentasyon ng kanilang mga proposed budget.



Comments