P17M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9 sa Zamboanga City
- Teddy Borja
- Aug 20
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng mga tauhan ng Police Regional Office 9 ang labimpitong milyong piso na halaga ng suspected shabu sa serye ng operasyon.
Nasamsam ang mga ito mula August 15-16, 2025 na nagresulta sa pagkaka aresto sa ilang High-Value Individuals (HVIs).
Pinuri ni Police Brigadier General Eleazar Matta, Acting Regional Director ng PRO 9, ang dedikasyon ng mga tauhan sa likod ng matagumpay na operasyon.
Tiniyak din ng PRO 9 ang kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang mas paigtingin pa ang kampanya laban sa droga.
Anila, sisiguraduhin nilang mananagot sa batas ang sinumang sangkot sa pagpapalaganap ng ilegal na droga sa rehiyon.



Comments