top of page

P2.72 million halaga ng suspected shabu, nakumpiska ng awtoridad sa anti-illegal drug operation sa Tantangan, South Cotabato; 2 high-value individuals, timbog

  • Teddy Borja
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Nakumpiska ng awtoridad ang ₱2.7 million na halaga ng suspected shabu sa isinagawang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang high-value individuals.

Target ng operasyon ang isang alyas “RJ,” 32-anyos, at alyas “Pao,” 43-anyos, isang construction worker.


Inaresto ang dalawa, araw ng Biyernes, December 5, sa Barangay San Felipe ng bayan.


Ayon sa PNP PRO 12, huli sa akto ang dalawa na nagbebenta ng suspected shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer.


Ang nakumpiskang shabu ay isinumite na sa South Cotabato Provincial Forensic Unit para sa qualitative at quantitative examination.


Kakasuhan naman ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 ang dalawang nahuling indibidwal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page