P2.9M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng mga elemento ng General Santos City Police sa matagumpay na implementasyon ng search warrants; 2 suspect, arestado!
- Teddy Borja
- May 20
- 1 min read
iMINDSPH

Sa General Santos City-
Nasamsam ng otoridad ang 2.9 million pesos na halaga ng suspected shabu sa implementasyon ng Search Warrants.
Ang matagumpay na implementasyon ng search warrant ay isinagawa, ala 7:08 ng umaga, a-18 ng Mayo sa lungsod ng General Santos.
Timbog ng otoridad ang isang alyas “Kenny”, 31 years old at isang alyas “Digong”, 35-anyos pawang residente ng Barangay Conel, General Santos City.
Nakuha rin ng otoridad sa search ang replica ng SR-16 5.56mm Knights Armament Co. Titusville T.L. USA, dalawang replica ng 5.56mm magazines, at dalawang live ammunition ng 5.56mm caliber.
Bukod pa ito sa narekober na cellophane at cash.
Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Comments