top of page

P2 million suspected shabu, nasamsam ng otoridad sa isang checkpoint sa South Cotabato; 2 high value individual, arestado rin!

iMINDSPH


Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Dino” 44 anyos, residente ng Libertad, Surrallah at isang alyas “Irish” 44 years old, residente ng Yangco, Banga.


Sakay ang mga ito ng kotse nang ma-flagged down sa Purok Mabini, Barangay Dajay, Surallah, South Cotabato, a-3 ng Marso sa isang routine inspeksyon.


Ayon sa otoridad, nang hiningan ng lisensiya ang driver, napansin ng isang pulis ang small-sized sachet ng suspected shabu sa loob ng sling bag nito kaya agad itong inaresto. Nang magsagawa na ng search, nadiskubre ng otoridad ang anim pang large sachets ng suspected shabu na tumitimbang ng 300 grams na may National Standard Drug price na Php 2,040,000.00.


Ang mga naarestong indibidwal at mga nakuhang iligal na droga ay dinala na sa Surallah MPS para sa proper disposition at paghahain ng kaso.


Ang matagumpay na operasyon ay ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Surallah Municipal Police Station, South Cotabato Police Provincial Office, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, Regional Public Highway Patrol Unit 12, Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, South Cotabato Provincial Forensic Unit, at Criminal Investigation and Detection Group.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page