P20M halaga ng medical assistance, kaloob ng AMBaG Program sa Maguindanao Provincial Hospital
- Diane Hora
- 6 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na naipagkaloob noong July 28, 2025, ang ₱20M na pondo sa Maguindanao Provincial Hospital bilang bahagi ng layunin ng AMBaG Program na masiguro ang patuloy na pagkakaloob ng maaasahang tulong medikal para sa mga pasyenteng Bangsamoro.
Ang pondo ay personal na tinanggap ni Dr. Mohammad Ariff Baguindali, OIC-Provincial Health Officer II/Chief of Hospital, na nagpaabot din ng kanyang taos-pusong pasasalamat sa AMBaG Program dahil sa malaking tulong na naibibigay nito sa mga mahihirap na pasyenteng Bangsamoro.
Ayon kay Dr. Baguindali, ang AMBaG Program ay kabilang sa mga pinakamagagandang inisyatibo ng BARMM Government. Binigyang-diin niya na maraming pasyente ang natutulungan, lalo na sa kasalukuyan kung kailan patuloy na nadaragdagan ang mga serbisyong inihahatid ng Maguindanao Provincial Hospital.
Sa direksyon ni Chief Minister Abdulraof Macacua patuloy na pinalalawak ng AMBaG ang serbisyong medikal upang maramdaman ang Kalinga at Serbisyo sa bawat sulok ng Bangsamoro.
Comments