P21 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9 sa Zamboanga City; 5 indibidwal, arestado
- Teddy Borja
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

21 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes, ang nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9. Arestado sa operasyon ang limang indibidwal.
Nakumpiska ang mga kontrabandao alas 3:20 ng madaling araw ng Martes, August 19 sa Sta. Cruz Island, Zamboanga City.
Ikinarga ito sa isang motorboat na tinatawag na “Jungkung”.
Ang mga kontrabando at ang bangkang ginamit ay agad na isinailalim sa kustodiya ng Bureau of Customs para sa wastong disposisyon, habang ang mga suspek ay dinala sa kustodiya ng ZCPS 11.



Comments