P27.2 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9 sa buy-bust operation
- Teddy Borja
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSP

Apat na kilo ng suspected shabu ang nasamsam sa operasyon, alas 9:30 ng umaga, August 19 sa Mayor Jaldon St., Barangay Canelar, Zamboanga City.
Sa ikinasang operasyon, naaresto ang isang 52-anyos na lalaki mula Labangan, Zamboanga del Sur. Ang suspek at ang nakumpiskang droga ay nasa kustodiya na ng PDEA para sa tamang disposisyon at pagsasampa ng kaso.
Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zamboanga City Office ang operasyon katuwang ang City Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, Armed Forces of the Philippines–Counter Intelligence Unit, Philippine Army, Marine Battalion Landing Team–Task Force Zamboanga, Regional Mobile Force Battalion 9, at Zamboanga City Police Station 11.



Comments