P3.1 million halaga ng illegal drugs, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa ikinasang 81 police operations sa Davao Region
- Teddy Borja
- Aug 19
- 1 min read
iMINDSPH

Nasabat ng mga tauhan ng PNP PRO 11 ang mahigit 3 million pesos na halaga ng iligal na droga sa walumpu’t isang police operations sa Davao Region
Isinagawa ang operasyon mula August 11 hanggang August 17, 2025.
Sa walumpu’t isang operasyon, nasamsam ang malaking volume ng shabu at marijuana leaves, at nadakip ang 27 High-Value Individuals (HVIs) at 64 Street-Level Individuals (SLIs)
Ayon sa PRO 11, ang tuloy-tuloy na operasyon ay bahagi ng mas malawak na estratehiya para tuluyang maputol ang drug supply chain sa Davao Region.
Hinimok rin ng PRO 11 ang publiko na makiisa sa kampanya kontra droga sa pamamagitan ng pagsumite ng impormasyon na maaaring makatulong sa mga imbestigasyon at operasyon ng pulisya.



Comments