P3.1 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO BAR sa buy-bust operation sa Wao, Lanao del Sur
- Teddy Borja
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Huli sa opersyon ang isang alyas “Mads” na isinagawa, araw ng Lunes, August 18 sa Purok 2, Barangay Buntongan, Wao.
Aabot sa 460 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa suspek.
Dinala sa Wao Municipal Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang droga para sa karampatang dokumentasyon at disposisyon.
Ang matagumpay na buy-bust ay ikinas ang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) katuwang ang Wao Municipal Police Station.



Comments