iMINDSPH

Limang daang gramo ng suspected shabu ang nasamsam ng mga elemento ng PDEA Region 9 sa isinagawang buy-bust operation sa parking lot ng Gaisano Mall sa Barangay San Pedro, Pagadian City.

Ang nasamsam na suspected shabu ay may estimated market value na Php3,400,000.

Isinagawa ang buy-bust, alas 12:55 ng hapon, araw ng Huwebes, a-6 ng Marso.
Arestado rin sa operasyon ang isang 38 anyos na school supply distributor at isang 29 years old na laborer, pawang residente ng Maramag, Bukidnon.
Tiklo ang dalawa matapos makipagtransaction sa isang undercover operative.
Nakumpiska rin ng otoridad ang buy-bust money, dalawang mobile phones, isang SUV at bank transaction records.
Kasong paglabag sa Section 5, Article II of Republic Act No. 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang inihahandang kaso ng PDEA 9 laban sa mga naaresto.
Katuwang ng PDEA 9 sa operasyon ang PDEA RO-9 Regional Special Enforcement Team o RSET, Pagadian City Police Station, Zamboanga del Sur Provincial Drug Enforcement Unit, at Provincial Intelligence Unit ng Zamboanga Del Sur Provincial Police Office.
留言