iMINDSPH

Limang piraso ng plastic sachets na naglalaman ng limang daang gramo ng suspected shabu ang nasamsam ng PDEA BARMM sa ikinasang buy-bust operation sa Purok 4, Barangay Matampay, Marawi City, a-12 ng Marso.

Ayon sa PDEA BARMM, ito ay nagkakahalaga ng P3.4 million pesos.

Ang operasyon ay inilunsad ng PDEA BARMM Drug Enforcement Officers of Lanao Del Sur Provincial Office kasama ang 45th Special Action at Marawi City Police Station,
Kulong din ang isang 35-anyos na si alyas “Angko” sa operasyon.
Narekober din ng otoridad ang buy-bust money, identification cards, at isang motorsiklo.
댓글