P3.4 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Mati City, Davao Oriental
- Teddy Borja
- 7 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang 3.4 million pesos na halaga ng suspected shabu sa ikinasang buy-bust operation.
Ikinasa ang operasyon araw ng Martes, June 3, 2025 kung saan naaresto ang suspek na kinilala sa alyas na “Jay”.
Tinuturing ng awtoridad na isang high value individual ang suspek.
Ang pinaniniwalaang shabu ay isinilid sa anim na plastic sachets.
Narekober din ng awtoridad ang cash at non-drug items.
Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency – Davao Oriental Provincial Office XI ang suspek para sa wastong disposisyon.
Comments