P3.9 million pesos na halaga ng smuggled cigarettes, nasamsam sa checkpoint operation ng Maitum Sarangani Municipal Police
- Teddy Borja
- Apr 30
- 1 min read
iMINDSPH

Isinilid ang ipinuslit na sigarilyo sa isang daang kahon at isinakay sa isang truck.
Pinigil ang truck sa isang checkpoint at dito natuklasan ang mga kontrabando, araw ng Linggo, April 27.
Arestado sa operasyon ang dalawang suspek habang itinurn over naman sa Bureau of Customs ang mga nasamsam na smuggled cigarettes.
Katuwang ng Maitum, Sarangani Police sa operasyon ang 1204th RMFB 12, RID 12 Tracker Team, at Sarangani PIU
Comments