P3.9M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa ikinasang operasyon sa Carmen, Davao del Norte kung saan 4 drug personalities ang arestado
- Teddy Borja
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng awtoridad ang P3.9 million na halaga ng suspected shabu sa loob ng dalawampu’t apat na oras na
anti-crime operations at arestado ang apat na drug personalities.
Ikinasa ang operasyon araw ng Martes, November 25, sa bayan ng Carmen kung saan naaresto ang dalawang High Value Individuals.
Ang suspected shabu na nakumpiska ay tumitimbang ng 575 gramo.
Anim na indibidwal din ang arestado sa pagsisilbi ng warrants of arrest.
Tatlo sa mga naaresto ay kabilang sa Most Wanted Persons.



Comments