P3 million pondo ng AMBaG sa South Cotabato Provincial Hospital upang matiyak na may akses sa serbisyong medikal ang mga Bangsamoro sa labas ng rehiyon
- Diane Hora
- Aug 21
- 1 min read
iMINDSPH

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Ayudang Medikal mula sa Bangsamoro Government (AMBaG) Program sa South Cotabato Provincial Hospital upang matiyak na may akses sa serbisyong medikal ang mga Bangsamoro sa labas ng rehiyon.
Simula pa noong 2023, katuwang na ng AMBaG Program ang naturang ospital sa pagbibigay ng medical assistance. Kamakailan, matagumpay na naipagkaloob ang ₱3,000,000 fund transfer upang higit pang mapalakas ang kapasidad ng ospital sa pagtugon sa pangangailangan ng mga pasyente mula sa Bangsamoro.
Muling binuksan ang AMBaG assistance desk sa South Cotabato Provincial Hospital para sa mga Bangsamoro na nangangailangan ng tulong medikal. Para sa mga concern o katanungan, maaaring makipag-ugnayan kay AMBaG Desk Officer Amenah Sumapal sa 0935 021 5974.
Sa ilalim ng programang AMBaG, patuloy na isinusulong ng Bangsamoro Government ang “Kalinga at Serbisyo” bilang gabay sa pagbibigay ng dekalidad na tulong medikal.



Comments