P422 hanggang P452 na sahod ng mga minimum wage earners sa Eastern Visayas, sinimulan nang ipatupad
- Diane Hora
- Dec 9
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa Department of Labor and Employment, maglalaro na sa P422 hanggang P452 ang bagong minimum na arawang sahod sa rehiyon, ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.
Ito ay masusundan pa umano para sa ikalawang bugso ng umento sa sahod pagsapit ng unang araw ng Hunyo 2026.
Dahil dito, magiging P440 hanggang P470 ang magiging bagong minimum wage sa Region 8, ayon sa report.
Samantala, aprubado na rin ang dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon na naglalaro naman sa P5,800 hanggang P6,400.



Comments