top of page

P455.6 million pesos halaga ng suspected shabu, nasamsam ng mga tauhan ng PNP PRO 9 sa Zamboanga City; 2 high value individuals, arestado

  • Teddy Borja
  • Aug 21
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

67 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa operasyon na ikinasa, alas 8:30 ng gabi, araw ng Martes, August 19 sa Zone 1, Barangay Bunguiao, Zamboanga City.


Naaresto sa operasyon ang isang 46-anyos na lalaki mula Divisoria, Zamboanga City, at isang 31-anyos na babae mula Banale, Pagadian City, Zamboanga del Sur. Pareho silang itinuturing na bagong HVI sa listahan ng mga awtoridad.


Ang nakumpiskang droga ay agad na isinailalim sa pagsusuri ng Regional Forensic Unit 9, habang ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng Zamboanga City Police Office Headquarters para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.


Pinuri naman ni PNP PRO 9 Regional Director, PBGen Eleazar Matta, ang matagumpay na pagtutulungan ng pulisya, militar, at iba pang ahensya na naging susi sa tagumpay ng operasyon.


Ayon sa opisyal, isa ito sa pinakamalalaking drug interdiction operations sa rehiyon, na nagpapakita ng matibay na paninindigan ng gobyerno sa pagbuwag aniya ng mga sindikato ng droga at pagprotekta sa susunod na henerasyon.


Ang matagumpay na koperasyon ay sanib pwersa na ikinasa ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) 9, Zamboanga City Police Station 3, Western Mindanao Naval Command, Naval Intelligence and Security Group–Naval Special Operations Unit, 902nd Maneuver Company RMFB 9, PDEG Special Operations Unit, PDEA Zamboanga City, Lamitan Police Station BARMM, RHPU 9, at Marine Battalion Landing Team–12.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page