iMINDSPH

Five million pesos na pondo ang laan muli ng AMBaG sa Datu Odin Sinsuat District Hopital.

Pinangunahan ng Deputy Program Manager ng AMBaG Saharan Jurjani Silongan ang fund transfer, na binigyang diin ang dedikasyon ng Bangsamoro Government sa paghahatid ng accessible at compassionate healthcare services.

Layunin ng hakbang na ito sa ilalim ng liderato ni Chief Minister Ebrahim na suportahan ang ospital sa pag assist sa indigent patients at mapaibsan ang kanilang financial burden.

Sa pamamagitan ng AMBaG, Patuloy na itinutulay ng Bangsamoro Government ang healthcare gaps para mas magiging accessible ang quality medical services sa bawat Bangsamoro.

Ang AMBaG ang isa sa mga flagship programs ng tanggapan ni Chief Minister Ahod Ebrahim.

Comments