top of page

P500,000 Medical Assistance, kaloob ng tanggapa ni BTA Deputy Speaker, Atty. Omar Yasser Sema sa Cotabato Sanitarium and General Hospital

  • Diane Hora
  • Aug 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Limang daang libong piso na medical assistance ang kaloob ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Atty. Omar Yasser Sema sa Cotabato Sanitarium and General Hospital.


Ang turn-over ng pondo ay pinangunahan mismo ng mambabatas ngayong araw.


Tinanggap ng kinatawan ng Cotabato Sanitarium and General Hospital ang limang daang libong pisong halaga ng medical assistance.


Ang tseke ay personal mismo na iniabot ni MP Atty. Omar Yasser Sema.


Ginanap ang turn over ngayong araw ng Biyernes, a-kinse ng Agosto, 2025.


Ang pondo ay mula sa 3.5 million na Medical Outreach Program Fund o MOE 2025 ng mambabatas sa ilalim ng Ministry of Health sa pamumuno ni Doc. Jojo Sinolinding.


Ito na umano ang pangatlong pondong inilaan ni MP Sema sa nasabing ospital kung saan maraming indigent na pasyente na ang natutulungan.


Pasasalamat din ang ipinaabot ng kinatawan ng ospital para sa natanggap na medical assistance. Malaking tulong umano ito lalong lalo na sa mga indigent na pasyente ng pagamutan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page