P500K medical assistance, handog ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker, Atty. Ishak Mastura sa 2 pagamutan sa Maguindanao del Norte at Cotabato
- LERIO BOMPAT
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Tinanggap ng pamunuan ng dalawang ospital sa Maguindanao del Norte at Cotabato ang medical assistance mula sa tanggapan ni BTA Deputy Speaker, Atty. Ishak Mastura.
Sa layuning matulungan ang mga pasyenteng higit na nangangailangan, ipinagkaloob ng tanggapan ni BTA Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura, ang kabuuang ₱500,000 na Medical Assistance Fund sa dalawang ospital sa rehiyon.
₱250,000 ang inilaan ng tanggapan ng mambabatas para sa Dr. Ramon Pesante Clinic and Hospital, Inc. sa Libungan, North Cotabato, habang ₱250,000 din ang ipinagkaloob sa Cotabato Sanitarium and General Hospital sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.
Ang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Medical Outreach Program sa pakikipagtulungan ng Ministry of Health – BARMM. Layunin ng programa na maghatid ng tulong-medikal sa mga Indigent Patients ng nabanggit na mga ospital.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Bangsamoro Government na itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng bawat Bangsamoro, lalo na ang mga mahihirap na sektor.
Comentarios