top of page

P6.8 million pesos na halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA Region 9 sa buy-bust operation sa Zamboanga City; 2 habal-habal at 1 kuliglig driver, 1 construction worker, arestado!

iMINDSPH


Mahigit kumulang isang libong gramo ng suspected shabu na may estimated market value na 6.8 million pesos ang nasamsam ng PDEA 9 sa buy-bust operation sa Barangay San Roque, Zamboanga City.



Ikinasa ang operasyon, alas 12:40 ng hapon, araw ng Huwebes, March 6.



Tiklo sa buy-bust ang isang 20-anyos na construction worker, 39-anyos at 36-anyos na habal-habal driver, at isang 42-anyos na kuliglig driver, pawang mga residente ng Barangay San Roque.


Ang suspected illegal drugs ay inilagay sa vacuum-sealed plastic sachets na ipinasok sa isang tea bag. Narekober din ng otoridad ang iba’t ibang non-drug evidence, boodle money, cellphone at dalawang motorsiklo.


Haharap ang mga naaresto sa kasong paglabag sa Section 5 of Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Katuwang ng PDEA 9 sa operasyon ang Regional Special Enforcement Team, sa pakikipagtulungan ng Zamboanga City Office, PNP City Drug Enforcement Unit at PNP Criminal Investigation Unit.

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page