top of page

P6.8 million suspected shabu, nasamsam ng mga elemento ng PNP PRO BAR sa buy-bust operation sa Marawi City; High-Value Drug Suspect, arestado

  • Teddy Borja
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang operasyon ala 7:00 ng gabi, araw ng Martes, June 10 sa Barangay Lilod Saduc ng syudad kung saan nakumpiska ang suspected shabu na isinilid sa anim na sachet.


Arestado sa operasyon ang isang High-Value Drug Suspect.


Bukod sa ilegal na droga, nakumpiska rin ng awtoridad ang buy-bust money at motorsiklo.


Ang operasyon ay ikinasa ng awtoridad kasunod ng month-long intelligence gathering at surveillance sa suspek.


Hawak na ng Marawi City Police Station ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page