P6.8M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng PDEA BARMM sa anti-illegal drugs operation sa Jolo, Sulu
- Teddy Borja
- May 20
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit kumulang isang kilo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na Php 6,800,000 ang nakumpiska ng mga elemento ng PDEA BARMM sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Serentes Street, Barangay Chinese Pier, Jolo, Sulu, a-19 ng Mayo.

Isinilid ito sa plastic bag.

Nasamsam at narekober din ng otoridad ang buy-bust money at cellphone.

Arestado naman sa operasyon ang isang 37-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Bads”, residente ng Barangay Luuk Tulay, Pata, Sulu.
Pansamantalang ikinulong sa Jolo Municipal Police Station ang suspek habang hinihintay ang inquest proceedings sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Katuwang ng PDEA BARMM sa operasyon ang mga elemento ng Philippine Army at Philippine Coast Guard.
Comments