top of page

P600K halaga ng dried marijuana bricks, na-intercept ng awtoridad sa isang parcel sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte

  • Teddy Borja
  • Nov 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Limang kilo ng dried marijuana bricks ang na-intercept ng awtoridad sa isang parcel.


Ikinasa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang operasyon, araw ng Sabado, November 22, 2025, sa Barangay Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.


Nasamsam sa intercepted parcel ang isang (1) black bubble wrap na may limang (5) sealed transparent plastic bags, na tumitimbang ng 5 kilograms at nagkakahalaga ng PHP 600,000.00.


Kinilala ng awtoridad ang consignor sa alyas na “Joaquin”, habang ang consignee naman ay kinilala sa alyas na "Raihana".


Iniimbestigahan na ng awtoridad ang dalawang indibidwal habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs) ng RA 9165 laban sa mga ito.


Nanguna sa operasyon ang PDEA Land Transportation Interdiction Unit (LTIU) na sinuportahan ng PDEA BARMM K9 Unit, PDEA BARMM Regional Investigation Section, Maguindanao del Norte del Sur Provincial Office, at PDEA RSET.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page