top of page

P7.3 million pesos na halaga ng ilegal na droga, nakumpiska ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa mga ikinasang operasyon sa buong buwan ng Mayo

  • Teddy Borja
  • 7 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Mahigit pitong milyong piso na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office 11 sa mga ikinasang operasyon sa buong buwan ng Mayo.


Sa 259 police operations na ikinasa ng mga tauhan ng PNP PRO 11 o Davao region sa buong buwan ng Mayo, 165 dito ang buy-bust operations, 37 ang paghahain ng warrant of arrest, at 25 ang isinagawang search warrants.


Sa mga ikinasang operasyon 1,045 gramo ng shabu ang nakumpiska, 402 gramo ng marijuana leaves at 1,433 marijuana plants ang sinira.


Tatlong daan at isang indibidwal ang inaresto kabilang na ang 72 high value individuals at 229 street-level individuals.


Sinabi ni PNP PRO 11 Regional Director, PBGen Leon Victor Rosete na patuloy ang kampanya ng pulisya sa rehiyon laban sa iligal na droga sa tulong aniya ng komunidad.

 
 
 

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page