Pagbuo ng Association of Former Members of Parliament, isinusulong sa BTA Parliament; 4 proposed bills, umabante na sa 2nd reading ng parlyamento
- Diane Hora
- Nov 19
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang principal author, itinuring ni Bangsamoro Transition Authority Member of Parliament Atty. Rasol Mitmug na mahalaga parin ang papel na ginagampanan ng mga dating mambabatas ng BARMM kaya naman isinulong nito ang pagtatatag ng Association of Former Members of Parliament upang magkaroon ng pormal na plataporman na makapag-ambag sa mga polisiya tungo sa kaunlaran ng rehiyon.
Ang AFMP ay mapapasailalim sa Office of the Speaker at inaasahang magfa-facilitate mentorship, networking, at advocacy sa iba pang mga dating miyembro ng legislative body.
Samantala, umusad na rin sa second reading ang apat na proposed bills:
Bangsamoro Disaster Resilience Act of 2022
Batas na bubuo ng Ministry of Agrarian Reform,
Batas na bubuo ng Ministry of Fisheries and Aquatic Resources
At batas na magre-reorganisa sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform



Comments