iMINDSPH

Pinangunahan ni Committee of Health Chair MP Hashemi Dilangalen ang pagdinig.

Ang proposed measure na isinusulong ni Member of the Parliament Romeo Sema ay naglalayon na i-upgrade ang kasalukuyang dialysis facility ng pagamutan at gagawin itong full regional dialysis center.

Sinabi ni Dr. Ibrahim Pangato Jr., ang Chief of Hospital na bagama’t mayroon na silang kasalukuyang dialysis center malaking tulong aniya na ma-upgrade ito upang mas marami pang matulungan.

Ayon kay Health Committee Chair Hashemi Dilangalen ang chronic kidney disease ay nagiging isang major health issue sa rehiyion.
Comentarios