top of page

Paghahain ng COC para sa March 30,2026 BARMM Parliamentary Elections, sinuspinde ng COMELEC habang hinihintay pa ang pagpasa ng batas sa parliamentary districting sa rehiyon

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal na sinuspinde ng Commission on Elections (COMELEC) ang nakatakdang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa 30 Marso 2026 Bangsamoro Parliamentary Elections, habang hinihintay ang pagpasa ng batas sa parliamentary districting sa Bangsamoro.


Sa ilalim ng Resolution No. 11183, na may petsa na December 22, 2025, ipinagpaliban ang COC filing period hanggang sa maisabatas ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ang kinakailangang parliamentary districting law.


Ang orihinal na panahon ng paghahain ng COC ay itinakda mula Enero 5 hanggang 9, 2026 sa bisa ng Resolution No. 11181 na inilabas noong Nobyembre 19, 2025.


Ipinaliwanag ng COMELEC na alinsunod sa desisyon ng Supreme Court of the Philippines sa mga kasong Ali et al. v. BTA Parliament et al. at Macapaar et al. v. COMELEC and BTA sa ilalim ng GR Nos. E-02219 at E-02235, inatasan ang BTA na tukuyin ang mga parliamentary district hindi lalampas sa Oktubre 30, 2025. Gayunman, napag-alaman ng Commission en banc na wala pang naipapasang batas hinggil dito.


Dahil dito, minabuti ng COMELEC na suspindihin muna ang paghahain ng COC upang matiyak na ang proseso ng halalan ay magiging maayos, malinaw, at nakaayon sa pinal na mga parliamentary district.


Ayon sa abiso ng COMELEC, magtatakda ng bagong iskedyul ng COC filing sa sandaling maipasa ng BTA ang kinakailangang parliamentary districting law.


Ang hakbang na ito ay itinuturing na mahalaga upang mapanatili ang integridad at kredibilidad ng kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections, at upang matiyak na ang lahat ng kandidatura ay naaayon sa umiiral na legal na balangkas.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page