top of page

Paghahain ng SOCE, itinakda ng COMELEC ang huling araw sa June 11, 2025 para sa lahat ng kandidato, nanalo man o hindi sa halalan noong May 12

  • Diane Hora
  • May 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Hanggang June 11, 2025 ang itinakda ng COMELEC na paghahain ng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga kandidato, nanalo man o hindi sa eleksyon.



Incurred expenses man ito o natanggap na kontribusyon. Kabilang sa pinahahain ang mga kandidato na hindi nagpatuloy sa kanilang kampanya, self-funded campaign at nagwithdraw ng kanilang kandidatura, maliban na lamang kung ang withdrawal ay isinagawa bago ang opisyal na pagsisimula ng kampanya.



Ang notarized SOCE ay kinakailangan na personal na lalagdaan ng kandidato o treasurer ng political party at party-list.



Ang SOCE ay ihahain alinsunod sa prescribed number at mayroon ding soft/electronic copy na PDF at Excel format.


Ang external storage device na naglalaman ng soft copy ng SOCE ay ipinasusumite rin ng KOMISYON.


Isumite ito ng weekdays kabilang na ang holidays at araw ng Sabado mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 pm.


Ang itinakdang deadline ay pinal na at non-extendible ayon sa COMELEC. Ang alinmang SOCE na ihahain lampas sa deadline ay hindi na tatanggapin ng COMELEC.


Ang pagsumite ng SOCE sa pamamagitan ng registered mail, electronic mail, courier, o messenger services ay hindi pinahihintulutan at hindi rin tatanggapin ng COMELEC.


At panghuli, ayon sa COMELEC walang nanalong kandidato ang manunungkulan sa posisyon nito hangga’t hindi nakapagsumite ng SOCE sa itinakdang petsa ng batas.

 
 
 

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page