Paghahanda para sa nalalapit na World Hijab Day, puspusan nang isinasagawa ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura
- Diane Hora
- Dec 17
- 1 min read
iMINDSPH

Kaliwa’t kanan na ang isinasagawang konsultasyon at pakikipag-ugnayan ng tanggapan ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa sektor ng mga kabataan, mga ina, at mga lider-komunidad, upang masigurong ang pagdiriwang ay magiging makabuluhan, inklusibo, at may malinaw na adbokasiya.
Ayon sa mambabatas, layunin ng aktibidad na palakasin ang kamalayan at pag-unawa sa kahalagahan ng hijab bilang simbolo ng pananampalataya, dignidad, at malayang pagpapasya ng kababaihan, kasabay ng pagsusulong ng respeto, pagkakapantay-pantay, at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.
Sinabi ng kongresista na sisikapin nitong gawing plataporma ang World Hijab Day hindi lamang para sa selebrasyon, kundi para sa mas malalim na pag-uusap at pagkilos tungo sa mas ligtas, mas patas, at mas makataong lipunan para sa lahat.



Comments