top of page

PAGKA ANTALA NG DECOMMISSIONING, DAHIL UMANO SA HINDI PA PAGSUMITE NG MILF NG LISTAHAN NG MGA MIYEMBRO NITO NA IDI-DECOMMISSION AYON SA OPAPRU

iMINDSPH



Usapin sa pagsumite ng Moro Islamic Liberation Front ng listahan ng kanilang mga miyembro para sa decommissioning ang dahilan kung bakit naantala at nagkakaroon ng problema sa implementasyon nito.


Ito ang mga katanungan at kasagutan na inilatag sa deliberasyon ng proposed budget ng OPAPRU sa plenary ng mababang kapulungan ng kongreso, araw ng Lunes.


Mayroon pang 1.14 billion pesos na unused fund ang OPAPRU sa taong 2024 kung saan pinakamalaking halaga dito ay laan sa decommissioning.


Sa deliberasyon ng proposed budget ng Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity sa kamara, tinalakay ang usapin ng unused fund ng tanggapan matapos itong tanungin ni Basilan District Rep. Mujiv Hataman.


Sa taong 2023, mayroong 250,969,000 na unused fund ang OPAPRU.


Sa taong 2024 naman, mayroong 1.14 billion pesos na hindi nagagamit na pondo ang ahensiya.


Base sa record na ibinahagi ng OPAPRU sa pagdinig, mula sa kabuuang bilang na 40,000 combatants ng MILF na target i-decommission-


26,147 na dito ang decommissioned at 4,625 na mga armas na rin ang turned over ng MILF mula sa phase 1, phase 2 at phase 3 ng decommissioning.


Sa ngayon, inaasahan pa ang dagdag na 14,000 combatants na isasailalim sa decommission at 2,450 na mga baril ang itu-turn over.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page