Pagkakaroon ng digital portal kung saan ilalathala ang lahat ng gastusin ng pamahalaan, isinusulong ni Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez sa Kamara
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Itinutulak ni Negros Occidental 3rd District Representative Javi Benitez ang panukalang magkaroon ng digital portal kung saan ilalathala ang lahat ng gastusin ng pamahalaan.
Ito ay sa ilalim ng House Bill 6761.
Sa ilalim ng Government Hub for Information and Verified Expenditures o G-HIVE, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas, pagsasama-samahin sa isang ligtas at accessible na site ang lahat ng dokumento mula planning hanggang audit.
Tinutukoy ng panukala ang kakulangan sa kasalukuyang sistema, kung saan mahirap ma-access at ma-trace ang impormasyon sa pondo ng gobyerno, ayon pa sa report.
Oras na maisabatas, aatasan ang mga ahensya na mag-upload ng expenditure documents sa loob ng pitong working days gamit ang machine-readable at tamper-resistant formats, dagdag pa sa report.
Sinabi rin sa report na bubuo ng National Budget Transparency and Accountability Council, na binubuo ng government, civil society, media, at private sector, upang bantayan ang pagtalima.
Iuugnay ang G-HIVE sa umiiral na financial at procurement systems upang magkaroon ng verified audit trails sa bawat yugto ng budget cycle, ayon pa sa impormasyon.
Ito ang magsisilbing counterpart measure ng Senate Bill 1506 o CADENA Act na inihain ni Senador Bam Aquino upang palakasin ang transparency at ang karapatan ng publiko sa impormasyon, base sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.



Comments