Pagkakasundo ng mga pamilya o grupo sa Maguindanao del Sur na may rido, malaking tulong sa ekonomiya ng probinsya, ayon kay 601st Infantry “Unifier” Brigade Commander, BGen. Edgar Catu
- Teddy Borja
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH
Magpapatuloy ang 601st Infantry “Unifier” Brigade sa kanilang adhikain na mapagkasundo ang lahat ng may rido sa mga lugar na kanilang nasasakupan.
Ito ang sinabi ni 601st Brigade Commander Brigadier General Edgar Catu, tugma sa layunin ng brigade ang isinusulong na reconciliation ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao del Sur.
Isa sa mga nakikitang epekto ng opisyal sa pagkakasundo ng mga pamilya o grupong may alitan ay ang pagbubukas ng mas maraming oportunidad para sa negosyo at investors sa probinsya.
Ang 601st Brigade ng Philippine Army na pinamumunuan ng Heneral and isa sa mga nangunguna sa ground para ipagkasundo ang mga may rido o alitan.



Comments