Paglulunsad ng Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Roadmap, tinawag ni MILF Chairman Alhaj Murad Ebrahim na makasaysayang hakbang na nagbigay ng panibagong pag-asa at nagpapatibay sa pangako
- Diane Hora
- Dec 10
- 1 min read
iMINDSPH

Nagbigay ng pag-asa at nagpapatibay sa pangako sa katarungan, pagkalinga, at pangmatagalang kapayapaan para sa Bangsamoro ang paglulunsad ng Transitional Justice and Reconciliation (TJR) Roadmap.
Ito ang sinabi ni Moro Islamic Liberation Front Chairman Alhaj Murad Ebrahim, kung saan tinawag ito ng opisyal na makasaysayang hakbang sa pagitan ng Government of the Philippines (GPH) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Peace Process.
Sa opisyal na pahayag ni Ebrahim, binigyang-diin niya na bagama’t nanatiling rekomendasyon sa nakalipas na pitong taon, ang Roadmap ang naglalatag ng balangkas para sa katotohanan, pag-areglo, paghilom, at rekonsilasyon bilang pundasyon ng tunay na kapayapaan sa Bangsamoro region.
Aniya, ang paglulunsad ng TJR Roadmap ay simula ng bagong kabanata na nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan, civil society, mga traditional leaders, kabataan, at international communities upang tuparin ang mga layunin nito. Ito rin aniya ay paalala na ang daan tungo sa kapayapaan ay pinapanday ng katarungan, malasakit, at pagkakaisa.



Comments