top of page

Pagpapalakas pa ng BISITA sa barangay program, ikakasa ng lokal na pamahalaan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte

  • Diane Hora
  • 6 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang talakayin ang masusing paghahanda para sa pagpapalakas muli ng implementasyon ng BISITA sa Barangay Program-


Pinulong muli ni Sultan Mastura Mayor Datu Armando Mastura ang mga barangay officials ng bayan araw ng Huwebes, Hulyo 31, 2025.


Dinaluhan ito ng lahat ng mga head of line agencies at mga kinauukulang department heads upang pagtibayin ang mga plano, iskedyul, at istratehiya ng programa, na layuning mapalapit ang serbisyo ng pamahalaang lokal sa bawat barangay.


Nakiisa rin sa pagpupulong sina Former Vice Mayor Andy Amir, Former Mayor Datu Rauf Mastura, CPA, at Former Mayor Datu Mando Mastura, Jr., bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa programa.


Dumalo rin ang 13 na barangay kapitan ng bayan, gayundin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na kinabibilangan ni Esmail Siaman, Swebb Mala, Paisal Mustapha, Sadat Odin, at Johari Pangal.

 
 
 

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page