Pagpapalit ng pangalan ng South Upi sa Maguindanao del Sur sa “Teduray Municipality” isinusulong sa BTA Parliament
- Diane Hora
- Aug 19
- 1 min read
iMINDSPH

Inihain sa sesyon ng BTA Parliament ngayong araw ang panukalang naglalayong palitan ang pangalan ng bayan ng South Upi sa Maguindanao del Sur ng Teduray Municipality.
Ito ang BTA Parliament Bill No. 380 na isinusulong nina Members of Parliament Froilyn Mendoza, Tawakal Midtimbang, at Kadil Sinolinding, Jr.
Co-authors ng proposed measure sina MP Bai Ali Karon, Susana Anayatin at Engr. Baintan Ampatuan.



Comments