iMINDSPH
Gahol na sa oras kung magpapasa pa ng batas para sa reapportionment ng pitong distrito para makumpleto ang 32 district representatives ngayong hindi na bahagi ng BARMM ang lalawigan ng Sulu.
Ito ang sinabi ni Deputy Speaker Lanang Ali Jr. Isa sa mga suhestiyon ng mambabatas nang maharap sa pulong ang mga officers ng BTA Parliament kasunod ng desisyon ng Korte Suprema ay ipostpone muna ang Parliamentary Election sa BARMM o i-extend ang transition.
Kailangan din aniya ng transition period para sa turn over ng records at auditing ng personnel.
Hindi na maihahabol kung magpapasa ng panibagong batas para sa reapportionment ng pitong parliamentary districts.
Ito ang sinabi ni BTA Deputy Speaker Lanang Ali Jr.
Ito’y matapos dineklara ng Supreme Court na hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu.
Base kasi sa Bangsamoro Autonomy Act No. 58 o ang Parliamentary Districts sa BARMM, mayroong pitong distrito ang Sulu, tatlo sa Basilan, Walo sa Lanao del Sur, Tatlo sa Tawi-Tawi, apat sa Maguindanao del Sur, apat sa Maguindanao del Norte, dalawa sa Cotabato City at isa sa SGA.
Ngayong hindi na bahagi ng BARMM ang Sulu, mababawasan na ang parliamentary districts at hindi na makukumpleto ang 80 members of parliament.
Malaking tanong ngayon kung paano i-distribute ang pitong parliamentary districts na dati ay laan sa lalawigan ng Sulu at sa mga probinsya ng Tawi-Tawi, Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Marawi City, Cotabato City, Lamitan City at Special Geographic Area.
Isa sa mga suhestiyon ng mambabatas nang magharap sa pulong ang mga officers BTA Parliament ay ipostpone muna ang Parliamentary Election sa BARMM o i-extend ang transition.
Sa pinakahuling pahayag ng COMELEC tuloy ang parliamentary election sa BARMM sa susunod na taon.
Mayroon na ring calendar of activities ang COMELEC BARMM.
Comments