top of page

Pagresolba sa isyu na tinukoy sa Public Accounts report kaugnay sa LGSF ng BARMM, mahalaga ayon kay CLG Chair, Member of Parliament, Atty. Naguib Sinarimbo

  • Diane Hora
  • Aug 12
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ang report, kung saan nakapaloob ang ilang rekomendasyon para sa reporma, ay isinumite sa tanggapan ni Speaker Pangalian Balindong at ipinadala sa Committee on Local Government at sa Blue Ribbon Committee para sa dagdag na pag-aaral


Ayon sa komite, ang rekomendasyon ay nangangailangan ng agarang aksyon mula sa House of Representatives, BARMM authorities, Commission on Audit (COA), Ombudsman, at Land Bank of the Philippines (LBP) upang matiyak ang transparency sa allocation process.


Binigyang diin din ni Committee Chair, Atty. Naguib Sinarimbo ang mabilis na pagresolba sa mga isyu na tinukoy sa Public Accounts report.


Kinilala nito ang kahalagahan ng findings sinabing ilang aspeto ng LGSF disbursements ay nag-re-require ng karagdagang paglilinaw.


Sinabi ni Atty. Sinarimbo na ang Committee on Local Government ang nangunguna sa imbestigasyon.


Mag-iimbita rin ang komite ng relevant ministries at local government units na involved sa LGSF para magbigay ng dagdag na impormasyon at tumulong sa paglilinaw sa ilang concerns na pinag-usapan sa House Committee on Public Accounts.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page