top of page

Pagsasagawa ng automatic search sa male riding-in-tandem motorists, pagbabawal sa mask, bonnets, full face tinted helmets at iba pang face-covering accessories, ipinatutupad na sa Cotabato City

iMINDSPH

Epektibo na araw ng Huwebes, February 27, 2025-


Ang pagpapatupad ng Executive Order No. 001 na inisyu ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.


Nagsasaad ito ng kautusan sa lahat ng law enforcement agencies at sa militar sa Cotabato City na magsagawa ng automatic searches sa male riding-in-tandem motorists.


Nakasaad sa Section 1 ng EO ang automatic search sa male riding-in-tandem motorists. Sa ilalim ng kautusan, inatasan ang Cotabato City Police Office, Cotabato City Traffic Management Center, Highway Patrol Group, barangay officials at City Public Safety Office na ipatupad ang hakbang sa tulong ng Philippine Marines.


Binigyan ng authority ang mga law enforcement personnel na patigilin at inspeksyunin ang mga lalaki na motorcycle riders in tandem.


Isasagawa ito nang naaayon sa batas, may kaukulang paggalang sa karaptan pantao, at pagsunod sa pamamaraan na itinakda ng Philippine National Police Operational Procedures.


Nakasaad naman sa Section 2 ng Executive Order ang tungkulin ng mga motorista na makipagtulungan sa law enforcement officers na nagsasagawa ng routine searches, checkpoints at random inspection.


Ipinagbabawal na rin ang Face Masks, Bonnets, Full-Face Tinted Helmets at iba pang face covering device accessories na nakasaad sa Section 3 ng EO.


Ito’y upang upang mapadali ang wastong pagkilala at mahadlangan ang mga gawaing kriminal.


Maliban na lamang kung may medical reasons, pero kinakailangan pa rin na magpresenta ng valid medical certificate na inisyu ng isang licensed physician.


Sa Section 4 naman ng kautusan, nakasaad ang mandatory update ng motor vehicle registrations.

Sa ilalim ng direktiba, mahigpit na ipatutupad ng mga law enforcement officers ang registration verification sa routine inspection at checkpoints.


At sa Section 5 ng Executive Order, nakasaad ang Identification Requirement para sa habal-habal drivers.


Nire-require ang lahat ng habal-habal drivers na nag-o-operate sa lungsod na kumuha ng official identification card mula sa City Public Safety Office hanggang March 31, 2025 ng walang babayaran.


Magsisilbi itong proof of registration sa syudad, isusuot ito na makikita ng mga pasahero. Inotorisa rin ang mga law enforcers na i-verify ang ID ng habal-habal drivers upang makumpirma ang kanilang identity at legitimacy.


Inataasan din ang City Public Safety Office na gumawa at mag maintain ng registry ng lahat ng habal-habal drivers, at pagtiyak ng proper documentation para sa security at monitoring purposes.


Ang inisyung Executive Order ni Cotabato City Bruce Matabalao ay resulta ng pulong ng Cotabato City Peace and Order Council kaugnay sa kasalukuyang peace and order situation sa syudad matapos maitala ang mga insidente ng pamamaril.



Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page